<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4191609965733330958&amp;blogName=sounds+%26+reviews.%5E%5E&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=SILVER&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fasiandramareviews.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fasiandramareviews.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
kidnapmyheart
Take me away cause falling in love ain't very far
information
shut up and sit down
JANICE :D
Your profile here :)
affiliates
hook me up
Friend Friend Friend Friend Friend Friend Friend Friend Friend Friend Friend Friend Friend
tagboard
scream your lungs
Your tagboard width 190px<.
memories
scary flashbacks
08_02 08_04 08_11 08_11
credits
its easy to clap
Layout : materialisti-c
Resources:
Kunyari lang.
Friday, November 2810:39 AM
Nag-eedit ako ng Blog Skin ko.

Pero hindi pala ako marunong




Bawal pala ang design ripping at paggamit ng base code ng iba. sayang

Hindi ko na pinakialaman



Pangit? malamang




.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.


Meron na akong bagong Hamster! hihihihi
Ampangit nya. Ang liit ng katwan, kamay, paa, buntot at bunganga niya. Hate niya sa mixed nuts mas gusto pa niya yong bigas. Parang gatas yong ihi niya at kadiri yong ebs niya.



Pink yong cage niya.
back to the top
VAMOS! Pinoy Fear Factor
Tuesday, November 185:17 AM





Vamos, Participante!!

Ayan makikigaya rin nga ke Ryan Agoncillio, ang muy gwapong host ng bagong reality show ng ABS-CBN.

haay, ano ba ang masasabi ko dahil obvious na binlog ko to. siguro dahil naaning ang mga tao dito sa pinagsasabi ni pareng Ryan. ni hindi ko nga alam kong Portugese yon o Spanish yon? ahm, paki educate ako!! lol.

ahahha...naaning rin ako. parang ang sarap talupan yong mga pinagsasasabi nya. hindi naman ako naiirita, ano ahm...medyo lang. eh hindi nalang kasi nila i-tagalog lahat? me pa Vamos, Vamos pa silang nalalaman. pati tuloy aso namin nalilito. lol.



makiki-uso rin lang ako na nagBlog nito kasi bago. at walang kwenta pa yong pinagsasabi ko no? he-he! yon lang.

Labels: , ,

back to the top
Love Hurts?--- Love......
Sunday, November 167:02 AM
ahhh, nanood ulit ako ng nakakalungkot na korean movie, tama ba yang term na yan? walang magawa eh, kaya para maging produktib daw--manood ng mga ganitong movie. tama nga naman ano?

anyway, ang kwento eh tungkol sa isang batang lalaki na na-inlab sa batang babae na samput-kalahati lang naman ang kaweirduhan sa sinumang kilala nyo na weirdo, kasi nakasuot siya ng dilaw na raincoat sa di malamang kadahilanan. [sigh] alam nyo na siguro ang ending no, syempre nagkainlaban sila, biglang nagdisappearing act si babae nag-move on si lalaki, nagkita at nagkainlaban ulit, nanood ng papalubog na araw at namatay si babae......joke lang! pero, di nalalayo. kahit yong pamangkin kong intrimitida eh napre-empt nga yong story. pero maganda siya, pramis!

susme, lumuha ako ng dugo. why not coconut? kasi masakit daw magmahal. [wuuu, so deep!] at mas maganda siyang panoorin sa ibang salita kasi---basta maganda lang. wag nyo na akong pag-expleynin.

gusto ko talaga ng mga Korean melodramas. bakit? kasi ang gagaling gumawa ng mga Koreano ng mga ganyang palabas. yong kulang nalang eh, iiyak mo na ang lamang-loob mo sa tindi ng drama. banzai!! at hindi naman halata na halos lahat ng mga pelikula nila eh about sa pag-ibig no? at tayong mga pinoy ay ang partikular na manonood na tumatangkilik nito. bakit? eh sino ba kasi ang hindi lumaki kina Mara Clara? Flordeluna, Cadena de Amour at etc. na ang pinakakwento eh patagisan at pahabaan ng iyakan? he-he-he!

At isa rin sa mga dahilan kaya ko to nagustuhan eh dahil narin adik kami ng mga pelikulang me patayan o yong ending eh namatay yong bidang lalaki o babae. basta me namatay. nagpipyesta kami pag patay lahat ng gumanap para daw fullfiling yong kwento at hindi lahat happy ending. kaya pala Titanic at Romeo and Juliet ang pabritong palabas ng magaling kong kapatid at meron siyang pagkahaba-habang Blog tungkol sa kagalingan nito. lol. [hmmm...kaya rin siguro pinapatay ng mga korean scriptwriter and mga bida nila.]

anyhow, feeling senti ako ngayon kaya pinanood ko to. nagbunga nga naman, me istorya na naman ako. mas nakakapagsulat kasi ako kung lumuluha ako ng dugo, ewan ko nga rin eh. isa sa mga misteryo ng mundo.






tekaaaaaaaaaaaaa!!! ano na nga yong Title nito?! ahahaha....nakalimutan ko, kaya pala yan yong title ng Blog! lol. ang alam ko kapatid yan ng Love hurts? Love moves? Love you? basta may Love yong umpisa.....ata. XD

Labels: , , ,

back to the top
Untitled --XD
Friday, April 1811:44 AM
ayan, gumawa na talaga ako ng blog para sa mga kadramahan ko sa buhay. masaya na sana kayo. andami kasing mga bubuyog na bumubulong sakin kasi binubulabog ko daw ang Blog section ng friendster ko sa pag-eemote ko. lol.

Bakit Tagalog?

Yan ang palaging tanong ng mga
naliligaw at matyagang nagbabasa sa page ko noon. maganda naman daw ang English ko bat' di nalang daw English para naman sosyal ng kaonti. aba! di ba alam ng mga hinayupak na yon na nakakabrain damage minsan ang magsulat ng may sense at grammatically correct sa ENGLISH?!

kahhh.....at saka mas malaya kong napapahayag ang gusto kong sabihin sa salitang ito na di nakukuryente ang utak ko sa kakaisip kung ano ang tamang salita sa gusto kung ipahiwatig.

Anyway, di naman kapatid ni Balagtas ang Tagalog ko no? at practice na din ito sakin. Di naman kasi kagandahan ang Tagalog ng lola nyo kaya kahit naghihikahos ako sa kakaTagalog eh, go lang ng go.


Anyho [pinsang-buo ni anyway], kung sa ikaliligaya ko lang ba why not coconut? o sige Ciao na, tapos na ang break ko. makikipagbuno ulit ako sa hormone ko at pigilang magsecrete ng Serotonine at kayanin ang pag-eemote ng titser ko na manang-mana sakin. hehe!
back to the top
"Ken Lee"
Sunday, April 137:19 AM




Wow! na-amaze ako sa kanya. lol. hindi halatang para lang siyang adik no? grabe, di kinakaya ng powers ko ang confidence nya. pero kudos sa kanya ha, nakakaya niyang ipagmalaki ang aherm 'talent' nya. ako nyan nilibing na ako ng mga kapamilya ko. pero tingnan nyo nagbunga rin, sikat na siya ngayon at patok sa mga taong libangan ang tumawa sa iba.

Labels: , ,

back to the top